Call center agent dedo sa L-300 van

ISANG call center agent ang namatay nang masagasaan ng isang rumaragasang Mitsubishi L-300 van sa Bacolod City.

Kinilala ang biktimang si Tricia Abat, 38, at residente ng Talisay City.

Nangyari ang aksidente bandang alas 7:30 ng gabi ng Lunes, ika-10 ng Oktubre sa harapan ng Transcom City kung saan nagtatrabaho ang biktima.

Ayon sa drayber ng van na si Leon Chio Go Ang, 50 at residente ng Barangay Tangub sa nasabing lungsod, hindi niya umano napansin ang biktima dahil madilim ang lugar kung saan siya tumawid.

Kasalukuyang nakapiit ngayon si Ang sa Bacolod City Police Station 8 at inihahanda na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to homicide.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply