Call center agent nag-suicide sa motel

NATAGPUANG patay ang isang call center agent na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo sa loob ng isang motel sa Quezon City.

Nakita ang bangkay ni Luis Christopher Alvarado, 26, sa loob ng kuwarto na inokupa niya sa 7th floor ng Sogo Hotel sa Quezon Avenue.

Natagpuan ng imbestigador ang isang suicide note at .38 revolver sa katawan ng biktima, na indikasyon na nagpakamatay nga ito.

Ayon pa sa empleado ng naturang motel, mag-isang nag-check in si Alvarado.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya at tinitingnan pa ang ibang anggulo ng pagkamatay nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply