Camp commander ng QCPD dapat nang sibakin

DAPAT na sigurong sibakin ni Quezon City Police District Director Chief Superintendent. George Regis, ang kanyang Camp Commander dahil kapag hindi ay posibleng dumanak ang dugo riyan sa loob ng Kampo Karingal.

Matatandaang muntik nang magkabarilan sa may gate ng Kampo Karingal itong Camp Commander  ng QCPD na si Chief Insp. Rolandi Bumagat at ang kanyang deputy na si Chief Inspector Ramon Cabili, ng dahil  umano sa pera.

At dahil malakas sa itaas itong si Maj. Bumagat ay hindi ito naparusahan at sa halip ang kanyang deputy na si Cabili ang  inilipat ng puwesto.

Sa mga nakarating na  sumbong sa inyong lingkod  mula sa   ilang tauhan nitong si Maj. Bumagat at sa ilang pulis din ng QCPD , halos lahat ay may halong pagbabanta.

Ayon sa mga sumbong, kapag hindi  umano inalis itong si Major Bumagat bilang Camp Commander ng QCPD ay posible umanong dumanak ang dugo sa loob ng Kampo Karingal dahil hindi na raw sila papayag pang tapak-tapakan nitong si Major Bumagat ang kanilang pagkatao at dangal bilang mga pulis.

QCPD Director, Gen. Regis, aantayin n’yo pa bang may mangyaring hindi maganda sa loob ng Kampo Karingal bago kayo umaksiyon?

Maraming nakatiwangwang na opisyal ang QCPD na mas hamak na magaling at mautak kaysa kay Maj. Bumagat. Pero bakit ba hindi ito mapalitan bilang camp commander?

Dahil ba sa ito ay rekomendado ni dating General Ebdane?

Sa palagay mo naman kaya, Gen. Regis, kaya kang sanggain nitong si Gen. Ebdane kapag may nangyaring hindi maganda riyan sa loob ng Kampo Karingal?

Maraming opisyal  ang QCPD na puro kapalpakan ang  ginagawa at ilan sa mga ito ay sina  Maj. Bumagat at ang hepe ng Drugs na si Chief Inspector Richard Ang.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply