Campus Security Act inihain vs krimen sa coed

PINAHIHIGPITAN ni Sen. Manny Villar sa Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa lahat ng campus sa bansa matapos ang panggagahasa at pagpatay sa isang estudyante ng University of the Philippines-Los Baños sa Laguna upang maprotektahan ang mag-aaral.

Iginiit ni Villar na hindi lang ang pagbibigay ng edukasyon sa mga estudyante ang responsibilidad ng school authorities, kundi ang pagbibigay ng proteksyon sa kanila mula sa mga masasamang-loob.

Sa ilalim ng Senate Bill 1324 ni Villar o ang “Campus Security Act,” inoobliga dito ang mga school authority na iulat sa mga magulang at sa kalihim ng Department of Education (DepEd) ang mga security measures na pinatupad sa kanilang campus.

Inoobliga din sila na iulat ang mga kaso ng murder, rape, robbery, aggravated assault, sexual assault, motor vehicle theft, liquor law violations, drug abuse violations at weapons possession na naganap sa loob ng campus.

Ang nasabing datos ay kailangan din na isumite ng DepEd sa committee on education ng Kamara at Senado upang makagawa ng kaukulang hakbang sa mga eskuwelahan na may kaluwagan sa seguridad.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Villar na malalaman ng publiko kung anong mga eskuwelahan sa bansa ang delikadong pasukan ng mga estudyante dahil sa mga nagaganap na karahasan sa loob ng campus.

Noong Oktubre 11, natagpuan ng Los Baños police ang bangkay ng isang estudyanteng nakilalang si Given Grace Cebanico sa isang madamong bahagi ng UP Los Baños na may palatandaan na ito’y ninakawan at ginahasa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply