CamSur Gov. Villafuerte, 9 pa kinasuhan ng plunder sa Ombudsman

NAHAHARAP ngayon sa kasong plunder sa office of the Ombudsman si Camarines Sur Governor Lray Villafuerte at siyam na iba pa.

Batay sa 43 pahinang complaint-affidavit ni CamSur Vice Governor Mariano Trinidad, sinabi nitong nagkamal ng P104 milyon si Villafuerte sa pag-award ng ilang proyektong pang-turismo sa Nuvali Park na sinasabing pagmamay-ari ng pamilya ng gobernador.

Kabilang pa sa inireklamo sina Lara Maria Villafuerte, Miguel Luis Villafuerte, Julio Mari Villafuerte, Leticia Allorde, Teresita Genova, Mario Alicawai, Vida Reyes, Anne Tiongco at Chris Daniel Reyes

Nakasaad din sa reklamo ni Trinidad na kabilang pa sa mga proyekto ni Villafurte ang pag-award sa Wake Park World, CamSur Marathon, at paggamit ng Gota Beach Resort na pagmamay-ari rin ng pamilya
Villafuerte.

Nahaharap ang sampu sa mga kasong dishonesty, grave misconduct, at gross neglect prejudicial to the best interest of the service.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply