Caranglan Road muling isinara sa mga motorista

DAHIL sa landslide, muling isinara ngayon araw ang Caranglan Road na nagko-konekta sa Nueva Ecija at Nueva Vizcaya.

Batay sa nakalap na impormasyon mula sa tanggapan ni Public Works and Highways (DPWH)-Caranglan Supervising Officer Engineer Nestor Galapon, may nangyaring landslide at nagsasagawa ng pagsasa-ayos ng daan sa bahagi ng Barangay Butlan.

Matatandaang isinara na kahapon ang Caranglan Road dahil sa mudslide ngunit binuksan din matapos ang clearing operation kaninang madaling-araw pero muli na namang isinara nang gumuho ang lupa at mga bato sa naturang kalsada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply