Cargo vessel sumadsad

SUMADSAD ang isang cargo vessel na may kargang mahigit na 21,000 sako ng abono malapit sa pantalan ng Muelle Loney, Iloilo City.

Ligtas namang nakabalik sa home port sa Cebu ang MV Bulk Carrier 3 ng Polsa Shipping Lines kasama ang mga crew nito.

Ayon kay Chief Modesto Castiano, petty officer in charge sa Parola Station ng Coast Guard District Western Visayas, nawalan umano ng control ang kapitan ng barko dahil sa malakas na alon  kaya ito sumadsad.

Sinabi ng Coast Guard na hinintay na lamang ng kapitan na maging high tide upang makapaglayag ang cargo vessel pabalik ng Cebu.

Wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply