Carlo J. Caparas kinasuhan ng tax evasion

SASAMPAHAN na ng Department of Justice (DOJ) sa korte  ng kasong tax evasion si Carlo J. Caparas na kilala bilang premyadong direktor at national artist.

Sa resolusyon ng DOJ na pinirmahan ni Prosecutor General Claro Arellano,  may nakitang probable cause sa apat na criminal charges kay Caparas dahil sa paglabag sa Tax Code of the Philippines o hindi pagbabayad ng umaabot sa P101 milyong buwis.

Matatandaan na si Caparas ay kinasuhan ng BIR  ng P504 milyong tax case kasama na ang surcharges at penalties ng mga hindi nito nabayarang buwis noong 2006 hanggang 2009  mula sa kanyang mga nagawang proyekto sa telebisyon.

Nakatanggap din umano ang director ng P850 milyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngunit hindi ito nagbayad ng tamang taxes.

Nabatid naman na sa ilalim ng programang Run After Tax Evaders (RATE) na ika-12 na si Caparas sa mga sinampahan ng kaso sa korte. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply