Carlo J. Caparas kinasuhan na ng DOJ

MAKARAANG maantala ng dalawang buwan, isasampa na ng Department of Justice (DoJ) sa korte ang kasong tax evasion laban sa premyadong direktor at national artist na si Carlo J. Caparas.

Batay sa DoJ resolution na pirmado ni Prosecutor General Claro Arellano, kinakitaan ng piskalya ng probable cause ang apat na criminal charges laban kay Caparas dahil sa paglabag sa Tax Code of the Philippines o hindi pagbabayad ng umaabot sa P101 milyong buwis.

Una nang kinasuhan ng BIR ang direktor ng P504 million tax case kasama na ang surcharges at penalties ng mga hindi nito nabayarang buwis.

Base sa imbestigasyon, tumanggap at nakagawa umano si Caparas ng napakaraming proyekto sa telebisyon subalit hindi ito nagbayad ng kaukulang buwis mula noong 2006 hanggang 2009.

Napag-alaman din umano na tumanggap ito ng P850 milyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) subalit hindi ito nagbayad ng proper taxes.

Si Caparas ang ika-12 kinasuhan ng BIR sa ilalim ng programang Run After Tax Evaders (RATE).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply