Carlos Agassi isang taong iginarahe ng bading

TIYAK na ikatutuwa ng mga bading ang naging pahayag ni Carlos Agassi. Pagkatapos kasi niyang aminin sa presscon ng “Praybeyt Benjamin” na nagkaroon siya ng karanasan sa bading ay buong tapang din niyang inamin na nakipag-relasyon din siya sa bading.

Commercial model pa lang daw siya noon at wala pa sa showbiz nang makipag-ugnayan siya sa bading pero hindi raw ang yumao niyang manager ang kanyang nakarelasyon.

Pagbubulgar ni Carlos, naging mabait daw sa kanya ang bading at nagtiyaga raw manligaw sa kanya. Hindi raw niya alam na bading ito noong una dahil disreet daw ito. Katunayan, kasabay pa raw niya itong nanonood ng porno films.

Tatlong taon daw silang naging magkaibigan hanggang sa ligawan na raw siya nito na hindi niya kaagad matanggap dahil wala raw siyang kamuwang-muwang sa ganitong sitwasyon noon.

In short, bumigay rin siya at tumagal daw ng halos isang taon ang kanilang relasyon dahil madalas silang mag-away.

Hanggang ngayon ay nakikita pa rin niya ang bading sa mga event at nagkakabatian pa rin daw sila.

Hindi na raw siya pumasok uli sa panibagong relasyon sa bading pero inamin niyang matapos ang sampung taon ay nagkaroon uli siya ng karanasan sa bading.

***

HINDI ikinaila ni Vice Ganda na talagang nahirapan siya sa mga maseselang eksena nila ni Derek Ramsay sa Praybeyt Benjamin dahil matagal na niyang iniilusyon ang actor at aminadong pinagnanasaan niya ito.

“Nakaka-tense po,” say ni Vice. “Gusto ko siyang makasama kasi pinagpapantasyahan ko siya noon pa. Kaya lang, sa sobrang welcoming kasi ni Derek, tapos sobrang generous sa mga friendship, walang karate-arte. As in, wala siyang arte at open siya sa lahat. So ako ang nahihiya.”

Tulad nga raw sa bed scene at shower scene nila ni Derek, talagang hiyang-hiya siyang gawin.

“Kasi, hindi nawala ang malisya sa akin. Sa kanya, walang malisya. E, sa akin mayroon talaga. Hirap na hirap akong umarte.

“Kasi yung huling shooting namin, ‘yong shower scene, sinabi ko na, ‘Puwede ba huwag na yong shower scene? Nahihiya ako, tumatayo talaga ang nipples ko,” pag-amin ni Vice.

Pero hanggang nipples lang daw ang tumayo sa kanya at wala nang iba pa dahil bago pa man daw tumayo ang iba pang parte ng katawan niya ay sumisigaw na nang cut ang kanilang director kaya napigil ang pagtayo ng iba sa katawan niya.

Sayang nga lang at hindi nakarating si Derek Ramsay sa ginanap na presscon ng Praybeyt Benjamin dahil may block screening ng movie nito with Anne Curtis at Cristine Reyes na “No Other Woman” since hindi natuloy ang premiere night last Tuesday dahil sa bagyong si Pedring.

Sana ay natanong din si Derek kung may experience din siya sa isang bakla?

***

Maniniwala ka ba? Motorcross rider, tatangkaing mag-back flip ng back to back, not once but twice! Lalaking magpapasikat sa pamamagitan ng pag-jumping rope habang sakay ng kanyang bisikletang isa ang gulong!

Ilan lang yan sa mga pinaghandaan ipakikita sa Ripley`s Believe It Or Not hosted by Chris Tiu sa Sabado sa GMA-7.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply