Cash-for-work program para typhoon victims inumpisahan na

SINIMULAN na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng cash-for-work o food-for-work program nito para sa mga biktima ng nagdaang bagyong Pedring at Quiel sa limang rehiyon sa bansa.

Ayon kay DSWD Sec. Dinky Soliman, kabilang sa mga rehiyong makikinabang sa programa ay ang Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila at Cordillera.

Sa ilalim ng cash-for-work program, makakatanggap ng cash o suplay ng pagkain ang mga benipesyaryo kapalit ng pagsagawa ng mga community projects.

Sa kalatas ng ahensiya, umaabot na umano sa P66.67 million na halaga ng relief assistance ang kanilang naipamahagi sa mga apektadong local government units.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply