CCT fund ipagamit sa typhoon victims–obispo

IMINUNGKAHI ngayon ng isang obispo na gamitin muna ang pondo ng conditional cash transfer (CCT) program upang tulungan ang mga biktima ng malawakang baha dahil sa bagyong Pedring at Quiel.

Ang mungkahi ay ipinarating ni San Fernando, Pampanga Auxiliary Bishop Robert Mallari kay Pangulong Benigno Aquino III na naglalayong makatulong sa mga biktima ng baha.

Katuwiran ni Mallari, mahihirap din naman at nangangailangan din ang mga biktima ng bagyo gaya ng mga mahihirap na benepisyaryo ng programa.

Binigyang diin ni Mallari na malaki rin ang naging pagtitipid sa pondo ng administrasyong Aquino sa loob ng isang taon kaya naman naniniwala ang obispo na ito ang tamang panahon upang magamit ang naturang pondo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply