CGMA may clearance na ng doktor na bumiyahe

KINUMPIRMA ng tagapagsalita ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na binigyan na ng clearance ng kaniyang doktor sa St. Lukes Medical Center ang dating presidente para bumiyahe at magpagamot sa abroad.

Ayon kay Elena Bautista-Horn, hawak na nila ang nasabing clearance, kung saan sinasabi rito ang kondisyon ng pangangatawan ni Arroyo.

Pero inamin nito na hindi pa rin sapat ang nasabing pahintulot ng doktor, pati na ang travel order ng Kamara para makabiyahe dahil wala pang inilalabas na “go signal” ang Department of Justice (DoJ).

Bahagi kasi ng requirements ng mga nasa ilalim ng watchlist order ng Bureau of Immigration (BI) ang Allow Departure Order (ADO) mula sa tanggapan ng DoJ, bago ito makaalis ng bansa.

Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naaaprubahan ni Justice Sec. Leila de Lima ang aplikasyon ng kampo ng dating pangulo dahil sa ilang mahahalagang proseso.

Nahaharap sa patong na kaso ang dating chief executive.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply