CGMA walang bagong sakit – spokesperson

NILINAW ng spokesperson ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na si Elena Bautista-Horn na walang bagong sakit si GMA.

Ani Elena Bautista-Horn, ang nararanasan ngayon ni GMA ay hypoparathyroidism, ang kaparehong sakit na na-diagnose ng mga doktor ng St. Luke’s Medical Center sa Taguig City noon pang Agosto.

“It’s not really new. That was already said before. It’s a rare hypoparathyroid disease,” ani Bautista-Horn.

Maging si Marilen Lagniton, ang hospital’s vice president for customer affairs ay klinaro na walang bagong sakit ang dating Pangulo.

“It’s not a new disease… It has already been discussed in previous bulletins. It’s not new but rare,” ani Lagniton.

Ang dalawa ay naglabas ng pahayag matapos ipamalita ni House Deputy Minority Leader Danilo Suarez na nakararanas ng “life threatening” disease ang dating Pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply