Cha-cha tuloy kahit ‘di suportahan ng Palasyo

TULOY ang pagsusulong sa Charter Change (Cha-cha) kahit walang suporta mula sa Malakanyang.

Ito ang tiniyak ng liderato ng Kamara matapos maging malamig ang pagtanggap ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino sa panukalang baguhin ang saligang batas sa pamamagitan ng bicameral constituent assembly.

Aminado si House Majority Floor Leader Neptali “Boyet” Gonzales na hindi parte ng priority agenda ni Aquino ang chacha.

“Ang Cha-cha talaga is not part of the LEDAC and the President distancing from Cha-cha does not necessarily mean that ang House and the Senate cannot do its own meeting for this matter and let see kung anong mangyayari,” ani Gonzales.

Subalit pareho aniyang suportado ng Kamara at Senado ang Cha-cha kung kaya “at the end of the day, it is the House and the Senate that are empowered to do any constitutional change.”

Ganito rin ang pangangatuwiran ni House Deputy Speaker Raul Daza sa pagsasabing “mismong si Pangulong Aquino ang nagsabing we will leave it to Congress.”

Paliwanag pa ni Daza na bagama’t wala sa priority agenda ng Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC)ay kapuna-puna naman aniya na karamihan sa mga panukalang isinusulong ng konseho ay nauukol sa “economic provisions.”

“Among the bills that being prioritized by LEDAC are bills which are economic in nature. And some of these bills are having difficulty going through the House or the Senate because baka may malabag na provision sa 1987 Constitution kaya kung maa-amend ang konstitusyon iyong mga bills na iyon sa priority ng LEDAC ay madaling maipapasa.”
Nilinaw pa ni Daza na hindi lamang sina House Speaker Feliciano Belmonte at Senate President Juan Ponce-Enrile ang nagsusulong ng Cha-cha kundi maging ang kabuuan aniya ng Kongreso.

Ngunit sinabi ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong na kung mag-e-explore din lamang kung anong mga economic provisions ang maaaring maamyendahan ay ibilang na rin aniya ang ilan pang probisyon na maaaring tutugon sa problema sa katimugang bahagi ng Pilipinas partikular sa Mindanao.

“Kung magkakaroon ng Cha-cha, then we may as well include some efforts to solve the other problems.  Like iyong problem sa south.  But anyway that’s up to the leadership,” ani Datumanong.

Si Datumanong na naging Justice Secretary sa ilalim ng administrasyong Arroyo ay nagsabing hindi isyu dito kung unconstitutional o constitutional ang isinusulong na bicameral legislative assembly subalit hindi pa aniya ito nasusubukan.

“Actually it is not really constitutional or unconstitutional but it has not been tested yet.  Because the provision of the constitution now the 1987 in its amendatory provisions mandated congress for a 2/3 votes of all members of Congress. Voting jointly or separately hindi pa iyan defined.” Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply