ChaCha mababasura kung ayaw ni PNoy

NANINIWALA si Sen. Franklin Drilon na hindi magtatagumpay ang panukalang amiyendahan ang economic provision sa 1987 Constitution kung hindi susuportahan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa kanyang pagdalo sa lingguhang Kapihan sa Senado, sinabi ni Drilon na mahihirapan ang Kongreso na maipasa ang panukalang pag-aamyenda sa Saligang

batas kung walang suporta ng Pangulo.

“It is extremely difficult, with the support of the president. We must have the support of the president, in order to succeed in this endeavor,” ayon kay Drilon.

Nauna nang ibinasura ni Pangulong Aquino ang panukalang amendahan ang Saligang Batas dahil hindi naman ito prayoridad ng administrasyon.

Pero, umaasa si Drilon na magbabago ang isip ng Pangulo kapag nasimulan ang debate sa panukalang amendahan ang Saligang Batas sa Kongreso.

Sinabi ni Drilon na matagal na niyang isinusulong na amendahan ang economic provision sa 1987 Constitution simula pa noong 1995 kaya napapanahon ngayon ang panukala dahil hindi interesado si Pangulog Aquino na palawigin ang kanyang panunungkulan.

Aniya, kung ibibigay ni Pangulong Aquino ang kanyang suporta sa panukala na amendahan ang Saligang Batas, tatapusin ito bago magtapos ang kanyang termino.

Ipinagtanggol din ni Drilon ang bicameral constituent assembly na mahusay na pamamaraan upang rebisahin ang economic provision sa Saligang Batas.

Tiniyak naman ni Drilon na kanyang kokontrahin ang anumang pagkilos o panukala na amendahan ang iba pang probisyon maliban sa pangangailangan sa ekonomiya ng Saligang Batas.

Nakahanda din sila na idepensa ang pag-aamyenda sa Saligang Batas sakaling kuwestiyunin ito sa Supreme Court.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply