Checa, ilang hakbang na lang bago tanghaling WSBK Champ

NIÈVRE, France —  Patuloy ang winning streak ng Español na si Carlos Checa sa World Superbike Championship ngayong taong ito.

Nasungkit na naman nito ang unang pwesto sa race 2 ng Imola Round noong nakaraang Linggo. Limang segundo ang naging lamang niya sa 2nd placer na si Noriyuki Haga habang ang Briton na si Leon Camier ay nasa ikatlo.

Susulitin na sana ng Yamaha ang top 4 at 5 spots, ngunit hindi ito pinahintulutan ni Leon Haslam ng BMW Motorrad nang mamagitan siya sa 4th placer na si Eugen Laverty at ang mahigpit na kalaban ni Checa na si Marco Melandri.

Sa kasalukuyan, nasa ikalimang pwesto si Haslam sa World Standings, ikaapat si Laverty at ikatlo naman si Max Biaggi. 97 puntos na ang lamang ni Checa kay Melandri at sa karera ngayong araw na ito sa Magny-Cours, tatllong puntos na lamang at si Checa na ang tatanghaling kauna-unahang Español na mananalo ng titulo ng WSBK sa loob ng 24 na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply