Ched naalarma sa kaso ng karahasan sa mga paaralan

NAALARMA na ang Commission on Higher Education (Ched) dahil sa pagdagsa ng kaso ng mga karahasan sa mga paaralan na nabibiktima ang mga estudyante at opisyal nito.

Ayon kay Ched Chairperson Patricia Licuanan, ang nakalulungkot ay wala silang magawa hinggil dito dahil nasa kamay ng law enforcement agencies ang responsibilidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan.

Sinabi pa ni Licuanan na nakababahala ang mga karahasan sa lipunan at ang hindi ligtas dito ay ang mga nasa institusyon ng edukasyon.

Inihayag ng opisyal na ang magagawa ng Ched ay patindihin pa ang pagtuturo sa mga estudyante para mapatatag ang kanilang values at karakter para maging isang mamamayan na sumusunod sa batas.

Ipinaliwanag naman ni Ched Executive Director Joselito Vitriolo na wala silang magagawa sa mga ganitong klase ng krimen at bahala na ang mga ibang ahensya sa pag-iimbestiga.

Ayon pa kay Vitriolo, kikilos sila sa oras na malaman na pasok sa jurisdiction ng kanilang opisina ang dahilan ng nangyaring krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply