Chicken at pork producers pupulungin ng DA

PUPULUNGIN ng Department of Agriculture (DA) ang mga magmamanok dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito sa mga palengke at upang paghandaan na rin ang pagtaas ng demand nito sa darating na Pasko.

Ayon kay DA Assistant Secretary Salvador Salacup, isasagawa ang pagpupulong sa pangunguna ni DA Sec. Proceso Alcala, kasama ang Bureau of Animal Industry (BAI), chicken producers at ang mga market administrator, retailer at seller upang alamin ang sitwasyon kaugnay sa inaasahang pagtaas ng pangangailangan ng karneng manok at baboy.

Ayon kay Salacup, hanggang ngayon ay mataas pa rin ang presyo ng manok na nasa P120 hanggang P130 kada kilo na dapat ay P120 lang ang pinakamataas na presyo.

Sinabi ng mga magmamanok na kinulang ang suplay dahil hindi nakapag-alaga ng manok bunga na rin ng paghagupit ng anim na bagyo na tinamaan ang production area sa Regions 1, 2, 3, at 4-A.

Sinabi ni Salacup na gumanda na ang panahon kaya itinodo na ng mga magmamanok ang pag-aalaga nito kaya inaasahang mapapakinabangan na sa loob ng 30 araw kaya inaasahang sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo ay bumalik na sa normal ang presyo.

Makakatiyak din na may suplay ng manok sa Pasko lalo’t pumapangalawa ito sa sa mga paboritong ihain ng mga Filipino.

Kasama rin naman sa gagawing pulong ang mga magbababoy dahil nagrereklamo ang mga ito sa mababang farm gate price na nasa P88 hanggang P90 lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply