Chiz kay GMA: Tapusin muna ang imbestigasyon

MAS makabubuti kung hihintayin muna ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na matapos ang pasisimulang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) comelec Panel, bago humirit na makalabas ng bansa.

Ito ang inihayag ni Senador Francis Escudero matapos magreklamo ang mga Arroyo sa mabagal na pag-iisyu sa kanila ng travel permit ng justice department.

Matatandaang sinubpoena na ng comelec- DOJ panel ang dating pangulo at iba pang sinasabing sangkot sa dayaan noong 2007 elections.

Giit ni Escudero, kung hindi naman matindi ang pangangailangan para mag-abroad ang dating Pangulo huwag na muna siyang lumabas hangga’t hindi pa tapos ang imbestigasyon ng DOJ comelec panel.

Naguguluhan naman si Escudero kung ano ang legal na basehan ng hinihinging travel permit ng mga Arroyo mula sa justice department gayung wala pa namang hold departure order laban sa kanila.

Sa kasalukuyan ay nakalagay lang sa watchlist ng Bureau of Immigration ang dating Pangulo matapos ang ilabas ang resulta ng fact finding committee na posibleng makasuhan ang dating pangulo ng election sabotage na non bailable na kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply