Civil service exam ilulunsad bukas

IPINANAWAGAN ng Civil Service Commission (CSC) na pormal na ilulunsad bukas (Oktubre 16) ang civil service exam sa buong bansa.

Ayon sa CSC, 99, 416 ang nakatalang kukuha ng pagsusulit sa iba’t ibang testing center kung saan 83, 073 ang kukuha ng professional level examination at ang nalalabing bilang ay sasailalim naman sa sub-professional level examination.

Pinaalalahan naman ng CSC ang mga kukuha ng exam na magdala ng valid identification card (ID) na may picture at signature o kaparehong ID card na ginamit sa pag-aaplay para makakuha ng pagsusulit.

Magsisimula ng alas-8:00 ng umaga ang pagsusulit at kinakailangang alas-7:00 pa lamang ay nasa examination venue na ang examinee.

Tatagal ang professional level examination ng tatlong oras habang dalawang oras at kalahati naman sa sub-professional.

Ang Civil Service Examination ay isa sa mga requirements para makapagtrabaho sa mga tanggapan ng gobyerno. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply