Claudine ninakawan ng pera sa banko ni Raymart Santiago

UMIIYAK ang aktres na si Claudine Barretto nang datnan ng media sa isang sangay ng banko sa Quezon Avenue kaninang umaga.

Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Agnes Maranan ay galit na dinakdakan ng aktres ang teller ng banko nang abutin sila ng kalahating oras bago sabihin sa kanya na wala na ang balanse ng kanyang pera sa banko, makaraang tangka nitong i-withdraw ang hindi pa batid na halaga ng salapi.

Lumalabas na nakuha ang pera sa pamamagitan ng inter-branch withdrawal.

May ilan namang bulong-bulungan na ang mister nito na si Raymart ang kumuha ng pera at nagsasabing totoong hiwalay na ang mag-asawa, lalo at alin man sa kanilang dalawa lamang ang maaaring mag-withdraw ng kanilang pera.

” Malamang totoo nga ang balita na hiwalay na sila. Bakit kailangan pa niyang magsama ng abogado sa pagwi-withdraw ng pera? Kung si Raymart nga ang kumuha ng pera, pwes, ninakawan nga siya ng kanyang asawa,” sabi naman ng isang malapit na kaibigan ng aktres.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply