Clubs, KTV bars sa Baclaran manmanan

NGAYONG umiigting na ang kampanya ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice sa pakikipagtulungan at kooperasyon ng Criminal Investigation and Detection Group at ng Anti-Human Trafficking Division ng National Bureau of Investigation, panahon na rin marahil na pagtuunan ng konsentrasyon ang mga night-club at KTV bar sa Baclaran area sa Parañaque City.

Hindi naman kasi kaila sa mga awtoridad kung ano ang kalakaran ng mga night club at KTV bar na ito na naghilera sa nasabing lugar.

Kahit itanong n’yo pa kay Jun Bernardino, ang sinasabi ni Allan Manuela na kolektor at bagman daw ni Gen. Allan Purisima ng NCRPO. (Pero ayon sa mga katoto natin sa NBI, mismong si Allan Manuela daw ang bagman ni Gen. Purisima, tama sir?)

Ang CIDG, sa pangunguna ni Gen. Samuel Pagdilao at ang NBI sa ilalim ng pamumuno ni Director Magtanggol Gatdula ang nangunguna ngayon sa kampanya kontra “sex tourism” na halos ka-raniwan nang kalaka-ran sa mga nightclub at KTV bar sa Baclaran area.

Sa puntong ito, tinatawagan ko ng pansin ang mga NGO (non-government organization) na nakabase sa Metro Manila tulad ng End Child Prostitution and Trafficking, Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific at International Justice Mission (IJM), na muling bisitahin ang Baclaran area at silipin ang mga sumusunod na club tulad ng Asian Entertainment International, Dynasty Real, Binibini, Liberty Island, White Bird at ang Area 51.

Ang mga lugar na ito ay ang itinuturong “sex tourism” spots sa naturang lugar.

Sa mga club na nabanggit, magandang tutukan ang Binibini, Liberty Island at ang Area 51.

Mga foreigner kasi ang nagmamay-ari ng mga ito at gumamit lang ng mga Filipino bilang “dummy” owners o incorporators.

Ang may-ari ng Binibini ay si James Lee na isang Koreano.

Ngayon ay may kumakalat na balita na isang Swiss national na nagngangalang Niel Kringler, dating may-ari ng nagsara nang Coast Bay club sa Baclaran din, ang “natsubibo” raw nitong si Bernie para sosyohan ang paluging club nitong si James Lee.

Kaya’t sa ngayon, tandem ng Koreano at Swiss ang nagpapa-takbo ng Binibini Club.

Isang floor manager at isang supervisor ng naturang club ang itinuturong source daw ng “ecstacy” na ibine-benta naman sa mga model o GRO ng club.

Ito raw ang dahilan  kung bakit nakakayanan ng ilang piling modelo o GRO na makipag-sex sa mga kostumer ng tatlo hanggang apat na beses sa isang gabi mapa-bar fine man o “gimik” sa loob ng mga VIP room ng nasabing club.

Magandang tutukan din ang Area 51 at ang Liberty Island na parehong pagmamay-ari ng isang Hapon na kilala sa pangalang “Ogawa,” na ayon sa mga kaibigan natin sa intel division ng Bureau of Im-igration ay pinaghihinalaan nila bilang isang Yakuza.  Kinumpirma rin ito ng isang katoto natin sa NBI-Interpol. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply