COA chief kinumpirma ng CA

INAPRUBAHAN ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ni Atty. Gracia Pulido-Tan bilang hepe ng Commission on Audit (COA) kahit may nag-iisang oposisyon na kumukuwestiyon sa sistemang ipinatutupad ng opisyal sa komisyon.

Hindi pinakinggan ngayon ng makapangyarihang komisyon ang oposisyon ng isang Marcelo Tecson na nagpakilala na isang certified public accountant, kaya’t inaprubahan kaagad ang kumpirmasyon ni Tan.

Kinukwestiyon ni Tecson kung bakit nilusaw ni Tan ang sistema ng pre-audit sa komisyon upang maiwasan umano ang graft and corruption sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Kinuwestiyon ng ilang miyembro ang timing ng pagsasampa ng oposisyon ni Tecson, kaya’t ikinonsidera nilang rekomendasyon ang kanyang panukala sa COA.

Kailangan pang aprubahan sa plenaryo ng buong komisyon ang kumpirmasyon ni Tan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply