COA: Hala, bira!

MUKHANG pinaninindigan ng Commision on Audit ang posisyon nito na independiyente at ahensyang nilikha ng 1987 Konstitusyon.

Sa pagiging independiyente at konstitusyonal na ahensya, hindi ito dapat hawak sa leeg ng sinomang Herodes na taga-Malakanyang at iba pang makapangyari-hang mga ahensya ng pamahalaan.

Bagama’t itinatalaga ng Palasyo ang mga  namumuno rito, hindi na dapat pakialaman ng Palasyo ang trabaho ng COA makaraan.

At ito ang nakikita natin sa kasalukuyan, batay sa isa sa mga inilantad nito na kuwestiyunableng pagpapalabas mismo ng pamahalaan ni PNoy ng P1.2 bilyon bilang pork barrel ng ilang kongresman.

oOo

Ang nasabing pork barrel  o pondong gatasan ng mga kongresman ay piniga mula sa pinaghihirapan ng lahat ng may sasakyan, ang motor vehicle users charge o road users’ tax.

Isa ito sa mga sinisingil sa atin kung magrehistro tayo ng sasakyan sa Land Transportation Office.

Sabi ng COA, kuwestiyunable ang paglalabas ng pondo dahil wala itong tiyak na mga proyektong pinaglaanan.

Totoo na may resolusyon ang Road Board o mga opisyal na humahawak sa pondo para sa paglalabas ng nasabing pondo pero wala itong kahilingan sa Department of Budget and Management na ilabas ito.

Nang maglabas ang DBM, hindi sa Department of Public Works and Highways ibinigay kundi sa mga kongresman.

Sabi ngayon ng COA, dahil hawak ng mga kongresman ang pondo, nagawa nila ang kanilang gusto rito.

Ibuhos ang pinakamalalaking bahagi ng pondo sa Metro Manila ang P155 milyon; Calabarzon – P140M; Albay – P112M; at Western Visayas – PP110M.

oOo

Ang tanong ngayon sa COA, Suki: sino ang nagkaperang mga kongresman at taga-Palasyo nang isabog ni PNoy ang biyayang galing sa buwis ni Juan, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply