Color coding iligal

KAHIT kailan ay hindi ko ginustong sundin ang tinatawag nilang Vehicle Volume Reduction Program o mas kilala sa tawag na “color coding.”

Ang dahilan, ito ay iligal at nilalabag ang isa sa mga karapatan nating mga motorista, ang gamitin ang lansangan na binayaran natin para ipagawa at daanan.

Sa paliwanag sa akin ni dating Heneral at dating LTO Director Reynaldo Berroya, ang binabayaran nating rehistro taon-taon sa LTO para sa mga sasakyan natin ay para gamitin ang mga kalsada sa bansa ng isang buong taon.

Ang matindi pa dito, advance payment na po tayo dito dahil kapag nagparehistro tayo ay para sa kasalukuyang taon at hindi sa nakaraang taon.

‘Di tulad ng ibang buwis na makukuha muna natin ang benepisyo bago tayo magbayad, sa rehistro ng kotse, bayad muna bago gamit.

Tapos, hihiritan tayo ng MMDA na bawal ang sasakyan natin sa lansangang tayo ang nagpagawa at binayaran na para gamitin. Hindi ba parang niloloko tayo dito?

At eto pa! Imbes na mapunta sa kaban ng bayan ang fine na dapat ibayad dahil sa paglabag sa color coding, kikikilan  ka  na  lang ng mga

Traffic Enforcer ng ganung halaga para sila ang kumita!

Hindi ba parang pakiramdam natin ay naluluto tayo sa sarili nating kawali?

Kung itutuloy nila ang pag-papatupad ng color coding, dapat ibawas ang bayad sa mga araw na hindi puwedeng gamitin ang kotse natin sa lansangan mula sa rehistro ng mga ito.

Dahil ano ba ang dapat masunod, ang batas ng pag-rehistro ng sasakyan o ang ordinansa na nagsimula bilang pakiusap lamang.

Dahil diyan nagsimula ang color coding, pakiusap ni Ben Abalos sa mga taga Metro Manila para lang maibsan ng konti ang trapiko.

‘Yun nga lang hindi color coding ang solusyon sa problemang iyon, maraming iba pa pero ayaw nating  isipin dahil walang kikita pag ang mga hakbang na ito ang ipinatupad.

Mag-email sa inyong lingkod sa baliwako62@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply