Colt 45 MotoROC, handa na para sa championship race

CEBU, PHILIPPINES — Natukoy na ang huling batch ng mga riders na sasabak sa championship race ng 2011 Colt 45 Motorcycle race of Champions sa Disyembre 17.

Ang huling round ng Regional races ng Colt 45 MotoROC ay nagtapos sa Kartzone, Cebu noong nakaraang Linggo kung saan 10 Cebuano ang nagwagi.

Nakuha ni Paul Anthony Mencias ang unang pwesto para sa kategorya ng 160c Scooter Modified, kasunod si Anacleto “Insik” Flores, at ikatlo naman si Jun Batulan. Sa 180cc Modified Scooter category, laglag sa ikatlong pwesto si Mencias habang ang isa pang Mencias, na si Bobby, ay nasa ikalawang pwesto, at ang top spot naman ay napunta kay Mario Borbon Jr.

First place naman ang kinalagyan ni Flores sa kategoryang 125cc Stock, habang si Borbon ay umusad sa 2nd place at si Rommel Paz naman sa 3rd. Tuloy-tuloy ang naging swerte ni Borbon ng ariin nito ang trophy para sa 1st place ng 110/115cc Stock, habang ang mahigpit nitong katunggali sa racetrack na si Flores ay naiwan sa ikalawang pwesto. Si Erik Gjengaar ang kumumpleto sa top 3.

Sinwerte ring muli si Bobby Mencias nang makuha nito ang top spot sa podium para sa kategoryang Open 4-stroke.
Naka-podium finish din ang rider na si Charlie Villanueva ngunit naunahan naman siya ni Borbon sa ikalawang pwesto.

Itinanghal na 1st placer para sa 110/115 Modified category si Gjengaar habang sina Krystel “C-LET” Cuizon at Stephen Lauron ay kapwa 2nd, at 3rd placers.

Isang espesyal na kategorya naman ang inilaan para sa mga rider na nais makipagbakbakan sa Suzuki rider na si John Lery Enriquez.

Tunay nga atang maswerte nang araw na iyon si Mario Borbon Jr., dahil siya ang nagwagi sa karerang ito versus kay Enriquez na ikalawang pwesto lamang.

Ang sumusunod ay ang iba pang nagsipagwagi sa ibang kategorya:
Best in Engine Modification at Best in Lights: Cebu Pro Elite Bike (CPEB)
Best in Paint at Best in Sounds: Jojo Sangre
Best in Graphics: Mionation (Alan Capino)
Ang Championship Race ng 2011 Colt 45 MotoROC ay gaganapin sa Quirino Grandstand.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply