Compound ng alkalde pinasabugan

BINULABOG ng pagsabog ang compound ni Cordon, Isabela Mayor Laurencia Zuniega sa Barangay Magsaysay kaninang alas-3:30 ng madaling araw.

Wasak ang isang bahagi ng tahanan ng alkalde maging ang Toyota Hilux pick up at Grandia van nito.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente ng pagsabog.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod at posibleng motibo sa insidente. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply