Confidential agent pinagbabaril

SUGATAN ang isang confidential agent at isa pang kasama nito matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa General Santos City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Angelito Batan, 35, isang confidential agent ng Joint Task Force-GenSan at Sherilyn Cercado, 37 at residente ng Malaybalay Bukidnon.

Nangyari ang pamamaril sa panulukan ng Carmen St. at NLSA Road sa Lagao District, naturang siyudad.

Masuwerte namang hindi tinamaan ang iba pang anim na kapamilya ng mga biktima na lulan ng isang tricycle kasama ang 11 buwan gulang na sanggol.

Dinala na sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima para malunasan habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Lagao PNP upang malaman ang motibo ng pamamaril.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply