Container van ng Japanese firm sinunog sa Cotabato

DAHIL sa hindi pagbibigay umano ng revolutionary tax, sinunog ng mga komunistang rebelde ang isang container van na pag-aari ng isang Japanese firm sa Cotabato kagabi (Oktubre 27).

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa pagsilab sa container van na may plakang MVX-444 at pag-aari ng Sumitomo Fruits Corporation (Sumifru).

Ikinasa na rin ang pagtugis ng Makilala Police upang panagutin sa insidente ang may tatlo hanggang limang hindi nakikilalang kalalakihang pinaniniwalaang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pagsunog dakong alas-8:45 ng gabi sa loob ng compound ng naturang kumpanya na nasa national highway sa Kisante village, Makilala town.

Ayon sa mga nakasaksi, napansin na lamang nilang nagliliyab na ang naturang van at may apat na kalalakihang tumatakbo palabas ng naturang compound.

Nito lamang nakaraang linggo, may 25 rebelde ang umatake din sa isa pang sangay ng Sumifru compound sa Compostela Valley naman at sinunog ang mga traktora at sasakyan ng kumpanya. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply