Corteza, Gabica wala pang bahid

NASA winner’s bracket pa sina former BSCP national pool champion Lee Van Corteza, Jundel Mazon at Antonio “Gaga”
Gabica matapos nilang tumumbok ng panalo sa nagaganap na 2011 US Open 9-Ball Championship sa Chesapeake Convention Center, Chesapeake, Virginia USA.

Nilaglag ni Corteza sa loser’s bracket si dating US Amateur Player of the Year Raymond Linarez, 11-1 habang walang kahirap-hirap na pinayuko ni Doha Asian Games gold medalist Gabica si Marcel Gilbert, 11-2.

Binokya naman ni Mazon si Sean Martinez habang medyo nahirapan naman siya ng bahagya kay Jesse Engel, (11-8).

Kasama nina Corteza, Gabica at Mazon na sumampa sa third round ang dalawa pang Pinoy cue artists na sina Alex “The Lion” Pagulayan at Warren “The Warrior” Kiamco.

Si Pagulayan na naghari sa 2005 edisyon ay sumargo ng 11-3 at 11-2 panalo laban kina Elias Patrikios at Justin Hall ayon sa pagkakasunod habang si Kiamco ay nagwagi kina Michael Yednak at John Hernandez sa 11-7 at 11-5.

Makaka-date ni Pagulayan sa ibabaw ng lamesa ng bilyaran si Grover Foster habang si Kiamco ay makikipagtumbukan kay Dennis Hatch.

Nalaglag naman sa loser’s side si Pinoy bet Israel Rota nang natalo kay Hall, 6-11.

Nakasama ni Rota sa one-loss side si Jose “Amang” Parica na agad na natalo sa unang laban kontra kay Pahdahsong Shognosh, 9-11.

Sa sitwasyon nina Rota at Parica kailangan maipanalo nila ang lahat ng natitirang laban upang makapasok sa semifinals.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply