Corteza kampeon sa SMB Oktoberfest 9-Ball Open

ITINANGHAL na kampeon si former National Open champion Lee Vann “The Slayer” Corteza sa katatapos na 2011 San Miguel Beer Oktoberfest Festival 9-Ball Open Masters category na ginanap sa Resorts World Manila sa Pasay City, kagabi (Linggo, Oktubre 30).

Ang top player ng Negros Billiards Stable at JSY Sports na si Corteza ay namayani kontra kay world no.1 at world 8-ball champion Dennis “Robocop” Orcollo, 11-8, sa finals tungo sa top prize na P350,000 plus SMB mug trophy.

Ang former two-time SMB 9-ball open champion Orcollo ay nagkasya sa P100,000.

Si Corteza na suportado ang kanyang kampanya ng Energen at Kopiko ay nakapasok sa finals matapos talunin si ex-world pool champion Francisco “Django” Bustamante, 9-4,  sa semifinals habang naka-abante si Orcollo matapos makaungos kontra kay hall of famer Efren “Bata” Reyes, 9-8.

“I would like to thank Sir Jonathan Sy and coach Christopher Palses for always helping me in my local and international tournaments alongside Kopiko and Energen,” sabi ng Davao City native Corteza na ang susunod na torneo ay ang Japan Open sa Osaka sa Nobyembre 16.

Una dito, si Corteza, pambato ni sportsman/businessman Jonathan “Bacolod” Sy ay nanaig kina former WPA 9-ball at 8-ball champion Ronato “Volcano” Alcano, 9-5, sa round-of-16, at 2006 Sydney World Junior quarter-finalists Renemar “Revo” David, 9-7, sa round-of-8, habang pinatalsik ni Orcollo sina Ramil “Bebeng” Gallego, 9-1, at Jundel “Jano” Mazon, 9-6, ayon sa pagkakasunod.

Sa race-to-11, alternate break finals, ang former fisherman mula Bislig, Surigao del Sur na si Orcollo ay katunayan ay kinuha agad ang big 3-1 lead bago maitabla ni Corteza sa 3-all sa 6th racks matapos ang two straight racks. Ang two Filipino hottest player ngayon ay nagtabla sa 4-all count matapos magpalitan ng racks.

Nakopo muli ni Corteza ang two consecutive racks tungo sa 6-4 lead. May pagkakataon sana si Orcollo na maitabla sa 5-all count sa 10th racks pero nabigo niyang maipasok ang No. 8 ball. Simula dito ay hindi na lumingon pa si Corteza ng kunin ang five of the next nine racks tungo sa runaway victory.

“Turning point ko yung pagsablay ni Dennis sa medyo delikadong shot sa 8-ball sa 10th racks kaya nakalamang ako ng dalawang racks.” sabi ni Corteza, ilang ulit ng Southeast Asian Games gold medallist.

Binati naman ni NBS president Jonathan Sy ang panibagong tagumpay ni Corteza. ” I’m really happy for him. Hope next year mag world champion na si Lee Vann,” aniya.

Samantala, tinalo ni Jomel “Porkchop” Sultan kontra si fellow NBS stalwart Ruben Cuna, 9-8, sa grand finals ng winner take all Open regional category tungo sa P50,000 plus SMB mug trophy.

Ang San Miguel Beer Oktoberfest Festival 9-ball Open Masters category ay nasilayan din sina country’s women top player Rubilen “Bingkay” Amit, Rodolfo “Boy Samson” Luat, Ricky” Bai” Zerna, Warren “Warrior” Kiamco, Gandy Valle at iba pa sa Puyat Sports organized event sa pakikipagtulungan ng San Miguel Beer, Negros Billiards Stable, Bugsy Promotions at Resorts World Manila.

Ito’y naisahimpapawid ng live streaming sa www.sanmiguelbeer.com.ph. Ang tournament ay idinerehe ni Ish Caparras ng Puyat Sports.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply