CPA kinasuhan ng tax evasion sa DoJ

KINASUHAN ng tax evasion sa Department of Justice ang isang certified public accountant dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa Bureau of Internal Revenue.

Kinilala ni BIR Deputy Commissioner Estela Sales ang respondent na si Emelino Maestro ng Sampaloc, Manila.

Ayon kay Sales, ginawa ni Maestro ang pag-iwas sa pagbayad ng buwis sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng tamang detalye sa kanyang income tax return (ITR) at sa halip ay nagbigay lang ng tentative income tax return para sa taxable year 2007.

Pero matapos ang masusing pagberepika sa BIR form No. 2307 ng mga kliyente ng respondent, nabatid na P5.17 million ang hindi nito binayarang buwis, habang P1.61 million naman ang VAT na nauukol dito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply