CPP-NPA: Bandido ng bayan

NAKALULUGOD malaman na ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army ay nagpapahalaga sa environment o kapaligiran. Hello? Ito ay hindi kapani-paniwala. Isang tandisan at maliwanag na panlilinlang na kailanman

ay hindi kayang tanggapin ng isang matino ang pag-iisip.

Sinalakay ng CCP-NPA ang tatlong mining company sa Surigao del Norte – sinunog ang isang dosenang trak; winasak ang mga hea-vy equipment at facility ng mining companies at nag-iwan ng malagim na takot at pangamba sa mamamayan ng Surigao.

Patuloy ang extortion activities ng CCP-NPA . Revolutionary taxes ang sapilitang kinukuha sa may-ari ng malalawak na lupain, sa mga logging company, sinisira ang mga tower ng komunikasyon at infrastructure project ng gobyerno.

Ang hindi maubos maisip ni Mentong barbero, 120,000 ang mga tauhan ng PNP– Philippine National Police at meron din ganoong bilang ang tauhan ng AFP– Armed Forces of the Philippines, eh, bakit hindi malupig at matalo ang kakarampot na bilang ng CCP-NPA na umaabot lamang daw sa limang libo?

Tinatayang merong 20,000 ang unfilled positions sa hukbong sandatahan –bakit hindi punan at ipadala sa Davao at Surigao nang mapasabak ang tapang ng mga pusakal na member ng new people’s army?

May isang mayor at dalawang sundalo na hostage ng NPA sa Davao at Cotabato – pawawalan daw nila at ibabandila sa bayan ang naging atraso ng dalawang tauhan ng hukbo at ginawa na nga.

Iniiwasan ng NPA na makita ang malusog na kagubatan, isang puno lamang ang tinititigan.

Kung totoong katarungan at kapakanan ng inaapi ang ipinaglalaban ng CCP-NPA, bakit winasak ang kinabukasan ng 5,000 obrero sa tatlong minahan sa Surigao?

Bakit kailangang takutin ang mga foreign investor na naglagak ng puhunan sa bansa at nagbigay ng trabaho sa mga Filipino?

Sa pag-uwi ng mga banyaga sa kanilang bansa, tiyak na pangit na larawan ng Pilipinas ang mabubuo sa kanilang mga sentido at marahil ay hindi magbabalik upang maglagay ng mga negosyo dahil sa inihasik na perwisyo at pamiminsala ng mga galamay ng CCP-NPA.

Ang pamunuan ng NDF – National Democratic Front na itinuturing na political arm ng CPP-NPA ay nasa ibang bansa at hindi na mga Filipino.

Nakatira sa malalaking bahay, airconditioned ang mga kuwarto at nagpapasasa sa marangyang pamumuhay, samantalang ang NPA ay patago-tago sa mga kabundukan ng Mindanao at kapatagan ng Gitnang Luzon.

Kinukunsinti ng NDF ang “extortion activities” ng NPA dahil sila ay kaparte sa nakurakot na mga pera.

Namatay na si Ka Roger Rosal ng Melito Glor Command noong Hunyo (halos walang nakaalam) pero, buhay parin ang pagsasanib ng CCP-NPA upang palitawin na malakas ang kanilang puwersa.

Wala nang pag-asa ang usapang-pangkapayaan na iniaalok ng gobyerno.

Maligaya na sila sa ganitong kalakaran: ipaglaban ang isang uri ng ideology na tanging sila lamang ang naniniwala.

Ang tagumpay ng peace process ay nakasalalay sa sinseridad at katapatan ng bawat panig. Hindi pwede na deklarado ang tigil-putukan, pero NPA lamang ang nagpupunla ng lagim at takot sa dibdib ng bayan.

Ang bayan ay matagal nang dala sa inyong kabulastugan. Anong environment o kapaligiran ang inyong sinasabi?

Ang inyong pamiminsala sa pamayanan ng tao ay maliwanag na gawain ng mga bandido. Ito ang dapat pag-ukulan ng seryosong aksyon ng gobyerno.

Tungkulin ng gobyerno na bigyan ng proteksyon ang taumbayan at kung hindi ito magagawa, sino pa ang dapat umaksiyon?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply