Crematorium at parke itatayo sa Quezon City

PINAG-AARALAN na ng Quezon City government kung kanilang itutuloy ang naudlot na P18 milyon proyekto sa pagtatayo ng crematorium at park sa loob mismo ng Bagbag cemetery sa Novaliches Quezon City.

Ayon kay Vice Mayor Joy Belmonte, may bago aniyang iniaalok ang Korean group developer na P7-M proposal budget para matuloy ang proyekto.

Aniya, sakaling matapos na ang gagawing city planning evaluation ay hihintayin na lamang ang lagda ng alkalde bago tuluyang maisakatuparan ang naudlot na proyekto.

Nauna nang ipinatigil ni dating Qc Mayor at ngayon ay house speaker Sonny Belmonte ang proyekto sa kadahilanang aabot aniya ang budget sa P18M kung saan nagkataong nahaharap sa malaking gastusin ang pamahalaang lungsod noon dulot ng pinsala ng nagdaang bagyong Ondoy.

Kapag natuloy aniya ang pagpapatayo ng crematory at parke sa loob ng 7 ektaryang lawak ng sementeryo, hindi na magkakasiksikan ang mga taong dadalaw sa puntod ng kanilag mga yumaong mahal sa buhay dahil magkakaroon na ng maayos na mapagtatambayan kung saan maaari rin silang magtirik ng kandila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply