Crew ng TV5 sugatan sa demolisyon sa Parañaque

NASUGATAN ang isang miyembro ng media sa isang demotion makaraang mambato ng mga bote ang mga residente sa demolition team sa Parañaque City umaga ng Oktubre 5.

Nabatid mismo kay Eric Agunos ng TV5 network, dumating ang demolition team sa compound ng Sitio Fatima, Barangay Don Bosco bandang 10 a.m. ngunit sinalubong ang mga ito ng mga ibinabatong bote at bato ng mga residente.

Nabatid pa kay Agunos na natamaan siya ng bote sa kanyang kamay habang hinihinalang marami pa ang nasugatan dahil sa dami ng mga ibinatong bote at bato sa demolition team.

Batay naman sa report ng dzMM, nagawa namang makapasok ng demolition team sa naturang compound upang gibain ang bahay nang may 40 hanggang 50 pamilya.

Matatandaang nagpalabas ng order ang Parañaque City Regional Trial Court Branch 274 sa paged-demolish sa Sitio Fatima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply