Cristine Reyes nilaktawan na ang sister na si Ara Mina

SA TAAS ng rating ng “Reputasyon” ni Cristine Reyes, she was given a solo presscon by ABS-CBN.

Pag-upo pa lang ng young actress sa presidential table, inanunsyo na niya ang magandang balita tungkol sa kanyang serye.

“Meron po kaming good news para sa viewers ng Reputasyon,” simula ni Cristine. “Due to public demand, mae-extend po kami ng two months po. Kasi dapat, hanggang November lang, pero until next year na kami ngayon due to public demand.

“So, maraming salamat siyempre kay Lord dahil binigyan niya ako ng blessing.”

Dahil hanggang January na ang serye, ani Cristine, may mga bagong karakter na papasok at isa na rito si Direk Celso Ad. Castillo.

“Meron pang ibang papasok pero wala pa sa ngayon. Kasi nakita ko sa bagong script namin, may mga bagong karakter.”

Bukod sa extension ng Reputasyon at sa mataas na ratings nito, masayang-masaya rin siyempre si Cristine sa pagtabo sa takilya ng No Other Woman.

Sa ngayon, itinuturing nang highest-grossing sa local films ang nasabing pelikula for the year 2011 dahil umaabot na ito sa P250M plus at kasalukuyang nasa ika-apat na linggo na ng showing.

Ayon kay Cristine, noong una, ayaw pang mag-sink-in na box-office hit ang movie nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay. Pero nang umabot na nga sa 4th week ang showing bukod pa sa binigyan na sila ng bonus ng Viva Films at Star Cinema, saka pa lang siya naniwala.

“Sobrang happy ako and paulit-ulit ko ngang sinasabi na hindi ako makapaniwala. And parang ano, parang dream come true, kasi hindi naman lahat ng artists, ’di ba, na-achieve ang ganito, so, thankful ako na binigyan ako ng ganitong blessings.”

Ano ang binili niya sa bonus na ibinigay sa kanya?

“Nasa bangko pa, eh. Nagtitipid ako ngayon, eh. May pinag-iipunan pa ako. Basta, malalaman n’yo na lang, secret pa,” she said.

Dahil nga highest-grossing ang No Other Woman, halos abot-kamay na ni Cristine ang pagiging box-office queen next year. At kung wala nang tatalo sa kinita ng movie sa natitirang mga buwan ng 2011, sure na sure na ang naturang award para sa kanya.

Siyempre, aniya, hindi lang naman siya, dahil dalawa sila ni Anne Curtis na leading ladies ng movie.

Asked kung okay lang ba na may ka-share siya sa pagiging box-office queen, say niya, “Okay lang ’yun kesa naman wala.”

Dagdag pa niya, “At least, masasabi ko na sa pagtanda ko, ‘oy, at least, one time, nagkaroon ako ng highest-grossing film, ’di ba? Masasabi ko ’yun kapag nagkaroon na ako ng mga anak-anak, apo-apo, ’di ba? Magiging proud ako ru’n kasi hindi lahat, nagkakaroon ng ganu’n.”

Natanong din kay Cristine ang kondisyon ng health niya ngayon since as we all know, galing siya sa sakit. Nagkaroon siya ng viral meningitis last month at two weeks din siyang na-confine sa hospital.

“Sa ngayon po, nag-a-adjust ang Reputasyon sa akin, hanggang 12 midnight lang po ako (puwedeng mag-taping). Kasi siyempre, hindi naman ako agad puwedeng isabak sa sobrang puyatan.

“Kasi sabi ng doktor ko, baka mag-relapse ako kaya hindi ako isinasabak sa sobrang puyatan. Pero so far po, okay na ako. And maingat na rin ako ngayon, hindi ko sinasagad ang sarili ko.”

Humina raw ang resistensiya niya dahil sa sunud-sunod na trabaho at puyatan kaya tinamaan siya ng viral meningitis.

Ngayong may maipagmamalaki na si Cristine sa pag-arte at sa pagkakaroon ng box-office hit, aniya, mas marami pa raw siyang gustong gawin.

“Marami pa akong gustong ibigay at gawin, tagung-tago pa nga, eh. Kumbaga, hungry pa ako sa mga project na talagang mapapakita ko ’yung skills ko.

“Gusto ko ng matitinding roles, ayoko ng mga pa-cute, kasi hindi ko naman nalalabas ’yung talent ko sa ganu’n. Gusto ko ’yung palaban, ’yung challenging talaga o kaya gusto ko ring mag-comedy.”

In terms of kaseksihan, may gusto pa ba siyang ipakita?

“Tapos na ako ru’n, eh. Next level naman, aktingan naman,” pahayag ng young actress.

Sa mga nagyayring maganda sa career ni Crsitne, don’t you think nalaktawan na ni Cristine ang sisterakang si Ara Mina?

***

Di kaya iwan ni John Lloyd?: Shaina Magdayao sobrang selosa

DATI, nagsalita si John Lloyd na sobrang boring ang relasyon nila ni Shaina Magdayao. Gusto yata niyang palabasing kakaboring at wala ng excitement ang relasyon nila nila ng utol ni Vina Morales. At dahil nga monotonous na ito, na wala silang problema at tila puro kaligayahan lang.

Pero ano itong mga kuwentong magulo na ngayon ang relasyon nina John Lloyd at Shaina dahil sa sobrang pagkaselosa ng huli.

At least, true pala yung mga blind item na magulung-magulo ngayon ang relasyon ng dalawa.

With what is happening, baka di na magreklamo si John Lloyd na boring ang pagsinta nila ni Shaina.

Take note, minsan daw, nagkita sina Ruffa G. at John Lloyd at nagkakumustahan. Nagselos daw si Shaina na nagdabog dahil nga sa matinding insecurity. Sa ganda nga kasi ni Ruffa, di malayong mabighaning muli si Lloydie sa kanya.

Kailan naman daw, si Liz Uy na ex ng aktor ang nakakuwentuhan nila. Nagpahalata raw si Shaina ng selos na medyo ikinairita ni John Lloyd.

Hindi kaya dahil sa pagiging selosa ni Shaina ay iwan na siya ni John Lloyd?

Okey lang ang selos kapag nasa lugar, pero pag ganyang nakaiirita na gaya ng walang dahilang pagseselos ni Shaina, lason na yun sa relasyon.

Siya rin, baka iwan siya sa ere at makipagbalikan na si Lloyd sa isa sa mga exes niya.

That would be the day na hindi na puwedeng magsabi si John Lloyd na boring ang relasyon nila ni Shaina Magdayao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply