Dagat ang Pinoy

HOY Pinoy! Alam mo ba na may lahi kang mandaragat? Paano nangyari ito? Hayaan mong ikuwento ko sayo…

Tingnan muna natin ang hitsura ng Pilipinas. Una sa lahat, 7,100 pala ang mga islang bumubuo sa bansa – ang dami, ‘di ba? Parang mahirap bilangin. Dahil dito, nagkaroon tayo ng 42,000 kilometrong beaches – ang haba, di ba? Aba! Tatlong beses ang haba nito kaysa pampang ng Amerika!

Meron din tayong humigit-kumulang sa 1,250,000 square kilometers ng karagatan na bumubuo ng ating teritoryo – ang lawak di ba? Daming isda at mineral diyan!

Tingnan naman natin ang kasaysayang pandagat na-in.

Sa loob ng napakahabang panahon bago pa man dumating sa bansa ang mga Kastila (mahigit 2,000 taon bago pa sila dumating, ganun katagal, Pare ko!), ang mga sinaunang Pinoy ay hataw na sa pakikipagnegosyo sa mga kapitbahay nila sa ibayong dagat.

Sagana sa likas na yaman ang ating bansa kaya naman hindi nahirapan sa paghahanap ng mga kung ano-ano ang mga Pinoy sa kanilang ipagpapalit o ibebenta sa mga taga-ibayong dagat. Ang mga Pinoy pa naman, basta negosyo, kahit san man sa mundo, patok!

Kaya’t makikita niyo na ang pagiging malapit natin sa karagatan ang nagtakda ng ating tadhana bilang number one sa pagiging mandaragat.

‘Di ba’t isa tayo sa mga nangungunang mga seaman sa buong daigdig? ‘Di ba’t napakalaking bahagi sa ating mga naghahanap buhay ay mga mangingisda?

At higit sa lahat, ‘di ba’t napakasarap ng seafoods dito sa Pinas?

Aba, lahat ng ito, ang hugis ng ating bansa, ang ating kasaysayan at ang ating pinagkakabuhayan, ang mga patunay kung gaano tayo kalapit sa karagatan!

O ngayon, ‘di ba’t napakasarap malaman na ang karagatan ang siyang humubog sa ating tadhana?

Dahil dito, nararapat lamang na maunawaan natin ang kahalagahan ng ating lahing mandaragat at ito ay oportunidad tungo sa pagkakaisa, pagpapalaganap at pagsasabuhay natin na ang Pilipinas ay isang bansang pandagat at tayong lahat ay nagmula sa lahi ng mga mandaragat.

Usapang mandaragat lang, pare ko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply