Dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo ipinatupad

NAGPATUPAD ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis simula kaninang alas-6:00 ng umaga.

Nagtapyas ang Chevron, Petron, Sea Oil, Phoenix Petroleum at Total ng 90 sentimo sa bawat litro ng regular gasoline at 70 sentimo naman sa premium.

Gayunman, nagdagdag naman ng piso sa bawat litro ng diesel at 50 sentimo sa kerosene.

Nabatid na ang paggalaw ng presyo ng krudo sa world market ay dahil na rin sa panibagong presyo ng pagtaas at rollback. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply