Dagdag-bawas sa presyong petrolyo ipinatupad

IPINATUPAD ngayong araw ng mga oil companies ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang Pilipinas Shell ang unang magdadagdag-bawas, nitong alas-12:01 ng madaling araw ay P0.20 ang bawas sa kada litro ng gasolina, P1.00 dagdag kada litor sa diesel at P1.15 ang itinaas kada litor ng kerosene.

Alas-6:00 naman ng umaga may rollback na P.50 kada litro sa gasolina ang Petron, Seaoil at Phoenix Petroleum habang magpapatupad sila ng P1.00 dagdag sa kada litro ng diesel at P1.10 sa kada litro ng kerosene.

Alas-6:00 din ang dagdag-bawas ng Total Philippines na nagpatupad ng  P.20 rollback kada litro sa gasolina at P1.00 kada litro na dagdag sa diesel. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply