Dagupan isinailalim na rin sa state of calamity

ISINAILALIM na sa state of calamity ang lungsod ng Dagupan dahil sa pinsalang inabot nito sa paghagupit ng bagyong Quiel.

Ayon sa Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management Council, walong baranggay pa rin sa lungsod ang lubog sa tubig baha na kinabibilangan ng Malued, Lasip, Grande, Chico, Mayombo, Lucao, Pogo Chico, Bacayao Norte at Herrero-Perez.

Kasalukuyang nananatili pa rin sa mga evacuation ang may 114 na pamilyang naapektuhan ng baha.

Samantala, umaabot na sa 13 bayan at lungsod ang isinailalim sa state of calamity dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyong Pedring at Quiel.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kabilang sa mga lugar na nasa state of calamity ay ang lungsod ng Santiago sa Region II, bayan ng Obando, Calumpit at Meycauayan City sa Bulacan at Tuguegarao City.

Maging ang Olongapo City, Dinalupihan sa Bataan; Tarlac City, Nueva Ecija, Noveleta sa Cavite, kabilang ang Malabon, Navotas at Marikina sa National Capital Region (NCR) ay nasa state of calamity na rin. Gayundin ang Isabela at Nueva Vizcaya sa Region II.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply