Dagupan lubog sa baha dahil kay ‘Quiel’

NADAGDAGAN pa ang mga binahang barangay sa Dagupan, Pangasinan dahil sa pananalasa ng bagyong Quiel.

Dahil dito, tuloy-tuloy ang paglilikas sa mga residente.

Binabantayan din ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), ang mga coastal areas at mga island barangay sa Dagupan dahil sa storm surge kung saan pinaka-apektado ang Bonuan Gueset.

Inililikas na rin ang mga residente sa Bonuan Binloc dahil sa paghampas ng malalaking alon.

Mahigpit ring binabantayan ng CDRRMC ang mga mababang lugar sa lungsod gaya ng Barangay Malued, Lasip Chico, Lasip Grande, Bacayao Sur, Bacayao Norte at Pogo Chico, dahil sa umabot na sa mahigit limang talampakan ang taas ng tubig.

Sa ngayon ay may 61 pamilya na ang nasa evacuation centers sa Dagupan.

Nagpaalala rin ang CDRRMC sa mga residente na magtungo sa mga ligtas ng lugar.

Ayon pa sa ahensya, asahan na rin na ang posibilidad na mawalan ng supply ng kuryente sa nabanggit na lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply