Daiana Meneses ayaw magpabuntis?

NILINAW ni Daiana Meneses ang isyu tungkol sa nangyari sa ginagawang di maganda ng mga fans ni Judy Ann Santos regarding sa isyu sa kanila ni Ryan Agoncillo.”Alam mo ‘yon,” sabi niyang nakangiti, “sa Eat Bulaga parang Family kami. Wala namang malisya ‘yong ganon. Si Juday ay napakabait pa naman ever since e. Wala naman kaming naging problema. Walang malisya sa amin ni Ryan sa Eat Bulaga. Trabaho lamang ‘yon.” Sa isyu naman ng pangit na si Shalala. “Kaya naman ako nagresign sa radio program namin, it’s because 12Pm to 4Am ito. Tapos, may Eat Bulaga ako ng 12nn. Kaya di ko kaya ‘yon. Medyo nagtampo yata siya sa akin. Pero sana maintindihan niya ako na hirap talaga ako sa oras.

“Pero sana mabigyan ulit ako ng pagkakataon na maging DJ huwag lang ‘yung ganoong oras.”

Sa edad na 24, marami pang gustong gawin si Daiana sa kanyang career kaya hindi totooong lalagay na sila sa tahimik ng kanyanbg current boyfriend na si direk GB Sam Pedro. Pero may balak daw silang pumunta ng Brazil para hingin ni Direk GB ang kamay ni Daina sa ama nito.

Pero ayon kay Daiana, kontrolado niya ang kanyang sarili na hindi siya mabubuntis ng kanyang boyfriend. Si Daiana pa rin ang model ng Diana Stalder
Face & Body Skin care Center.

Ang Brazilian na si Daiana Meneses ang siyang magho-host sa grand final ng Thanakha Calendar Girls sa AFP Theaters sa December 11 kasama si Jojo Alejar ng TV 5. Labing dalawang kandidata ang siyang maglalaban-laban kung saan sponsor sina Joel Cruz at Doktor Joel Mendez. Malalaking papremyo ang naghihintay sa mananalo ng korona kasama rin ang pagiging opisyal endorser ng Thanakha  products.

Makikita sa larawan sina Daina at Stanley Umlas ng Thanakha.

&&&&&

Naging matagumpay sa 168 Shopping Mall ang taping ng Show Up… ang Bagong game show ng Bayan. Maraming mga tao ang dumayo para mapanood lamang ang nasabing show. May taga Bulacan pa. Mapanonood n’yo sa Oktubre 8 sa Global Destiny Cable Channel 5 sa ganap 9:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga Lunes hanggang Sabado ‘yung episode sa Barangay Sta. Cruz Pasig City kung saan mahigit P200,000.00 ang pinamigay.

Ang kanilang mga segment ay Boogie,Woogie, cash blessing, Luto ng bayan, Show Up, What you’ve Got and Starcade Star of the New Decade. Ang show Up..Ang bagong game show ng bayan ay hatid sa inyo ng Erase Placenta, Heaven Salon at Thanakha organic  slimming & Anti Aging coffee. Ang mga host naman ay sina Miko Aytona, Samantha Page, Jirah, Barbe at showmaw.

&&&&&

Araw-araw mapapanood ang Eat Bulaga sa Siyete. Ang patok na portion nila ay ang Juan For All, All for Juan sugod bahay na hatid sa inyo ng Coke, Puregold, Vaseline, Hanabishi at Tiger Biscuit. Sa rami ng sponsors, maraming Barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng number noontime show dahil katakut-takot na pera ang pinamimigay sa mga kababayan natin.

Kaya suportahan natin ang Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7.

&&&&&

Inihahandog ng Sunrise International Production sa unang pagkakataon ng kanilang paglahok sa nauusong Indie Films ang Pangako Ng Puso Ko sa direksyon ni Aidan Law- rence at sa panulat ni Benjie Pe Benito at Arnold Argano.

With a very limited budget, Sunrise has discovered young and raw talents na napakahuhusay sa pagganap na sila Amber Martinez, Isla Borromeo, Rob Gutierrez, Jade O’ Hara at Dennis Dela Cruz. Co-produced by Joegie B. Jimenez ang Pangako Ng Puso Ko ay nagpapakita ng mga masalimoot na pagmamahalan, kahirapan, ambisyon, pagtataksil at katinuan. Ang pelikulang ito ay kinunan nang buo sa napakagandang probinsiya ng Ilocos Norte. Mafkakaroon ito ng premiere night sa Maynila, Ilocos Norte at Hawaii coming very soon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply