Dalaga inutas sa loob ng tricycle sa Malabon

TODAS ang isang dalaga matapos saksakin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nakasakay sa isang tricycle, Sabado ng hapon sa Longos Malabon City

Ang biktima na dead on arrival sa Pagamutan Bayan ng Malabon sanhi ng dalawng malalim na saksak sa dibdib ay si Emma Arag Reposo, 32, ng Phase 1 Pampano St., Bgry. Longos, nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong 5:30 ng hapon nang maganap ang insidnete sa kahabaan ng Hiwas St., nasabing barangay.

Nabatid sa salaysay ng saksing si Charlie Cabiling, 40, driver ng tricycle  na kinalulunanan ng biktima, nagpahatid sa kanya sa nasabing lugar ang biktima at pumasok sa isang  alley.

Ilang saglit lang ay bumalik  ito at nagmamadaling sumakay sa kanya at hindi napansin niya napansin  ang nakasunod na hindi nakikilalang lalaki na armado ng patalim.

Habang pinapaandar ang motor ay sinaksak ng suspek ang biktima  saka mabilis na tumakas.

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung anong tunay na motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply