Dalaga nilimas, hinalay saka pinatay

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang dalaga matapos holdapin, halayin at patayin sa pamamagitan ng pagsakal ng dalawang holdaper sa Caloocan City Martes ng gabi, Oktubre 4.

Kinilala ang biktima na si Jee-Ann de Guzman, 26, ng Vanguard, Camarin, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Erik Macaraan ng Phase 6, Kiko, Camarin at isang hindi pa nakikilalang kasama.

Sa ulat, dakong 8 ng gabi, nabatid na unang hinoldap ng mga suspek si Jerry Manioto, 20, habang naglalakad sa Vanguard, Camarin.

Hinila aniya siya sa madamong lugar, pinaghubad bago ginapos ang mga kamay saka kinuha ang kanyang pera, alahas at cellphone.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang mga suspek dala na si De Guzman at inihiga hindi kalayuan kay Manioto hanggang sa marinig na lamang umano ng huli ang ungol ng dalaga na parang sinasakal.

Nang makarinig ng mga yabag si Manioto na palatandaan na may mga nagdaraan ay lakad loob siyang sumigaw ng saklolo dahilan para mabulabog ang mga suspek at umeskapo.

Nakita ng pulisya sa lugar ng insidente si De Guzman na wala nang buhay, nakagapos ang mga kamay, may busal ng strap ng bag sa bibig at walang saplot sa katawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply