Dalagang nag-OJT sa Singapore nabaliw

INIIMBESTIGAHAN na ang kalagayan ng isang 23-anyos na Human Resources Management student mula sa Lipa City nang umuwing tulala mula sa kanyang on-the-job training sa Singapore.

Nabatid na ang biktima na si Rina Rose Olan ng Lipa City Batangas ay nadampot ng DSWD operatives kanina, na hubo’t hubad at wala sa sarili habang naglalakad sa lansangan.

Hinihinala ng awtoridad na posibleng hinalay at pinahirapan ang dalaga habang nasa Singapore kaya nawala sa katinuan.

Ito ay nang ikinukuwento umano ng biktima ang kanyang pagtungo sa Singapore para sa kanyang OJT at ang pagkakakilala niya sa isang lalaki na nag-alok sa kanya ng trabaho sa England subalit sa hindi malamang kadahilanan ay hindi natuloy.

Lumalabas na mula Batangas ay nagtungo sa Maynila ang dalaga para dalawin ang hindi nakilalang nobyo ngunit inatake ng sakit sa pag-iisip.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply