Dalagitang prosti tinodas ng junkshop owner

PATAY ang 15-anyos na babae matapos sakalin hanggang sa mapatay ng isang scarp dealer na tinangka pang itapon kasama ang mga scrap material ang bangkay ng una sa Port Area, Maynila kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Ronalyn Calmateo, out-of-school youth ng 12 St., Kakahuyan, Gate 4, South Harbor, Manila sanhi ng sakal sa leeg.

Naaresto naman ang suspek na si Romeo Perol Jr., 43, may-ari ng isang junkshop sa 20th St., Bgry. 649, Port Area, Manila.

Sa report ni PO2 Jose Gumilan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 1:45 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa loob ng truck van na nakaparada sa Railroad St., Port Area Manila.

Ayon kay Edjem Babor, 26, truck helper ng RRI trucking, nakarinig siya ng sigaw ng isang babae sa loob ng nakaparadang van (BBK 798) kaya sinabi niya ang suspek na may sumisigaw na babae sa sasakyan ng salarin.

Sumagot naman aniya ang suspek ng “walang tao rito.”

Gayunman, dahil nagduda si Babor ay umakyat siya sa loob ng van at nang makitang madilim ay nagsumbong na lang siya sa isang kagawad na kinilalang si Nelia Morales na kasama niyang nakadiskubre ang bangkay ng biktima, na tinakpan ng sako at mga scrap materials.

Papatakas na sana ang suspsek sakay ng bisekleta nang masakote naman ng mga rumespondeng mga kagawad.

Lumalabas na ang biktima ay kilalang “hamog girl” o nag-aalok ng panandaliang aliw kapalit ng pera.

Inaalam na ang motibo sa pamamaslang ng suspek sa biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply