Dalawang anak ni Mayor Herbert Bautista, magmamana sa ama sa pagkahilig sa showbiz

NAGMANA kay Mayor Herbert Bautista ang kanyang dalawang anak na sina Harvey at Athena Gana. Ang dalawa ay bunga ng pagmamahalan nina Mayor Herbert at Mommy Tates Gana. Kita na ang ebidensiya sa dalawang bata na may dugong showbiz. Kasi, sa school na pinapasukan nila ay palaging kasama sila sa mga programang pang-school, lalo na sa mga stage play, kantahan at sayawan.

Si Athena ay 15 years old at kasalukuyang nag-aaral sa Mirriam College. Nasa second year high school ito ngayon at kahit pang-showbiz ang kanyang dating, ang atensyon niya ngayon ay ang kanyang pag-aaral. Gusto niyang ma-maintain ang kanyang good scholastic records.

Pero, kahit saan pumunta si Athena ay pansinin siya lalo na kapag nalaman na anak siya ni Mayor Herbert Bautista. Kasi ba naman ay maganda’t maputi siya.

Tuloy kapag siya nakikita ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films, kung saan dito nanggaling ang ama bilang actor noong araw, ayaw tigilan si Athena na mag-artista na raw. Usung-uso kasi ngayon ang mga tween soap operas na tulad ng Tween Hearts ng GMA 7 na kung papasok sa showbiz si Athena ay bagay na bagay siya sa programa.

‘Yun nga lang, ang attention talaga ni Athena ay pag-aaral muna. Hanggang kailan kaya niya matatanggihan ang kaway ng showbiz?

Samantala, si Harvey, 8, na Grade II sa Multiple Intelligence School, ay “nakawit” na ng showbiz. Kasalukuyan na siyng mainstay ng ABS-CBN 2 program na Going Bulilit na mapanonood tuwing Sunday.

Si Harvey, sa tingin ng marami, ay carbon ng copy ng amang si Mayor Herbert.
Kaya naman masayang-masaya ang amang mayor na may nagmana nang anak sa tinahak niyang career sa showbiz noon.

Mahal ni Mayor Herbert ang showbiz dahil dito sa nakilala at nagkapangalan.
Dito siya unang minahal ng kanyang libu-libong fans na nagbigay daan sa kanyang sa mayabong na career sa politics. Nagsimula si Mayor Herbert bilang konsehal, tapos vice mayor, hanggang maging mayor ng Quezon City.

000

NAPAHALAKHAK lang si Iza Calzado nang sabihin naming three months na siyang loveless ngayon. Ang huling niyang nakarelasyon ay si Atticus King, na nagmu-modelo na rin ngayon na lumabas sa huling fashion show ng Cosmo magazine.

Ani Iza: “Masaya naman ako kahit loveless ako ngayon. Mas masaya ang maging single dahil nagagawa mo nang husto iyong trabaho na walang alalahanin. Pero, friends pa rin kami ni Atticus. Ikinuwento niya nga sa akin na napasama siya sa fashion show ng Cosmo Magazine recently.

“Di ko alam kung may bago nang karelasyon si Atticus. Basta, casual na balitaan lang kami ng mga nangyayari sa aming buhay. Hindi naman madalas ang communications naming dalawa. Basta masumpungan lang.”

Recently lang ay tinanggap ni Iza Calzado ang hosting job bilang TV host ng Showbiz Exclusives sa GMA News TV Channel 11. Kasama niya bilang co-host ang mga roving reporter ng GMA na sina Aubrey Carampell at Nelson Canlas.

Ani Iza: “ Gusto kong talakayin ang positive sides ng showbiz. Huwag na sa akin ang mga negative side. Ayaw ko kasing makakasagasa sa mga katulad kong artista.”

Ang Showbiz Exclusives ay mapanonood tuwing Monday to Friday, 7 p.m., sa GMA-7 News TV-11.

Incidentally, ang co-host ni Iza na si Aubrey ay ikakasal na sa December kay Michael “Errol” Aricheta. Handang-handa na lang lahat ng preparasyon. Ang seremonya ng kasal ay magaganap sa Fil-Am homes Church, ang Sta. Rita de Casa. Ang reception ay gagawin sa exclusive party venue, ang White Space, sa Pasong Tamo St.

000

LIVE namang mapapanood ang no.1 game ngayong Manny Many Prizes ngayong Sabado, October 22. Sa espesyal na live episode ng Manny Many Prizes kasama bilang hosts sina Cesar Montano at Dingdong Dantes together with Carla Abellana.

May partisipasyon pa rin si Manny dahil makakapiling siya ng mga manonood via Skype all the way from Los Angeles, California. Kaya tiyak na malalaking papremyo na na- man ang handog ng pound-for-pound game show ng bansa!

Ang episode ngayong Sabado ay may temang Ang Soap Opera ng Buhay Mo at itatampok ang mga naglalakihang telebabad stars ng GMA mula sa programang “Iglot,” “Amaya,” “Munting Heredera” at Time of My Life.

Nangunguna sa listahan sina Primetime Queen Marian Rivera, Marvin Agustin, Patrick Garcia, Sid Lucero, Rochelle Pangilinan, Kris Bernal, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Mona Louise Rey, Kyle Danielle Ocampo, Barbara Miguel, at Milkcah Wynne Nacion.

Magpe-perform din ng live ang mga talented divas na sina Jonalyn Viray, Frencheska Farr at Julie Ann San Jose.

Hindi syempre mawawala ang mga resident co-hosts ng Manny Many Prizes na sina Paolo Contis, Rhian Ramos, Gladys Guevarra, Pekto, Onyok at Moymoy Palaboy sa paghahatid ng saya at papemyo sa sambayang Pilipino.

Sa SM Skydome sa SM North gaganapin ang live airing ng Manny Many Prizes at mapanonood pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Sabado Star.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>