Dam operators, sinisi sa pagbaha sa Central Luzon

SINISI ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang lahat ng dam operator sa bansa kaya nalubog nang husto sa tubig-baha ang maraming lugar sa Central Luzon tulad ng Bulacan, Nueva Ecija at Pampanga.

Sa kanyang pagdalo sa ginanap na pagdinig ng Congressional Oversight Committee on Disaster Risk Reduction and Management sa pamumuno ni Sen. Loren Legarda, sinabi ni NDRRMC executive director Benito Ramos na kung napagsabihan sila sa pagpapakawala ng tubig, maaari pang maiwasan ang pagbuwis ng buhay dulot ng baha.

Sinabi ni Ramos kay Legarda, nagtataguyod ng mahusay na pamamalakad sa panahon ng kalamidad, na tanging operator lamang ng San Roque Dam sa Pangasinan at Magat Dam sa Bulacan ang nagpasabi sa NDRRMC na magpapakawala ng tubig.

Kaagad umano nilang pinagsabihan ang kanilang responders hinggil sa pagpapakawala ng tubig kaya’t nagkaroon ng pagkakataon ng gobyerno na maipaalam sa apektadong mamamayan ang nagbabantang panganib.

“Iyong iba, hindi kami in-informed, only San Roque and Magat, other did not like Angat Dam in Bulacan,” aniya.

Sinabi ni Ramos na dapat magpasabi ang dam operators alinsunod sa dam protocols  labing oras bago magpakawalan ng tubig sa dam upang magkaroon ng sapat na panahon ang respondenrs na kumilos dahil mas mabilis dumaluyong ang tubig kapag galing sa itaas.

Tinuttukoy na responders ni Ramos ang   Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, at volunteers.

“Marami sila, na kung napagsabihan kami sa sinasabi kong redundancy of information, we can immediately mobilized our responders to act on the situation, and warned affected communities on the possible scenario that will happened upon the released of the water from these dams,” paliwanag pa niya.

Kasabay nito, inihayag din ni Ramos na mahigpit na ipatutupad ng pamahalaan ang force evacuation kung kinakailangan upang maiwasan ang pagkabuwis ng buhay sa apektadong lugar kapag nagmamatigas ang apektadong residente.

“Walang illegal sa force evacuation. Kung puwede silang pakiusapan, pakikiusapan namin sila. But if they continue to stay, I would have tell them to not blame the government for whatever consequences they can get from the circumstances,”  ayon kay Ramos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply