Dating opisyal ng MWSS pinaaaresto ng korte

IPINAARESTO na ng Court of Tax Appeals (CTA) ang dating board member ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kaugnay sa P4-milyon tax evasion case na isinampa ng Department of Justice (DOJ).

Batay sa dalawang-pahinang resolusyon, sinabi ng third division ng CTA na may merito ang kasong isinampa ng DOJ laban kay  Lorenzo Sulaik.

Pinaglalagak din ng CTA si Sulaik ng P20,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ang notice ng resolusyon ay natanggap ng DOJ noong  Setyembre 23 at kopya nito ay ipinamahagi sa reporters.

Si Sulaik ay kinasuhan sa CTA makaraang lumabas sa preliminary investigation ni Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera na may probable cause sa reklamo ng Bureau of Internal Revenue noong nakaraang taon.

Sa reklamo ng BIR, nabigo si Sulaik na maghain ng income tax returns para sa taong 2008 at 2009.

Dapat umanong magbayad si Sulaik ng P4 milyon makaraang kumita ng mahigit P7 milyong ng mga taong iyon habang siya ay miyembro ng board ng MWSS.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply